Luhod lang daw sa Quiapo ang pinariringgan.
Luhod lang daw sa munggo ng mundo
sabay tiim-bagang dasal, tiim na tiim na nangitim
na sa mga labi ng pangkutya kay Bathala ang istorya
ng pagkalugmok sa putik ng kamalasan, nangitim
na’ng mga gilagid sa kaka-asin at minsa’y sardines,
o maari ma’y kaka-kakang-gata sa katotohanan.
Luhod lang daw sa harap ng cacique o bossing
ang maaring magbunga sa bukang liwayway
ng buhay sakada, kargador o nagtitibag ng bato.
Anak ko, anak ko! Bilog o lapad pa rito.
Luhod lang daw sa harap ng pulis o Tulfo
Upang mapigtas ang piring
Sa mga matang nanlalakihan sa takot.
Hesus! Ay, Ginoo! Kalu-oy man ang kapwa
konsintidor sa bisyo ng lotto, patintero,
kapit-patalim na piko, tumbang preso o taguan.
Luhod lang daw sa embasi
Upang mabiyayaan ng bisa
ng pers-world na kapangyarihan,
oportunidad para sa oportunismo,
tsansang mas mahusay naman
sa bigkas ng karera ng daga.
Uy. Ayun si Diyos.
Pung. Save.
About Alfred "Krip" A. Yuson
Monday, June 7, 2010
blog comments powered by Disqus
Subscribe to:
Post Comments (Atom)